NAGSAGAWA ng ocular inspection ang mga nakatokang workforce ng palaro na mga kawani ng Philippine Sports Commission sa pagdarausan ng Batang Pinoy sa kanisera ng Ilocos Sur na Lungsod ng Vigan.
Tiniyak ng inspectors kung pasado na sa standard ng komite ang mga pasilidad na pagdarausan ng multi-sports grassroot event matapos na matengga ang sporta complex noong kasagsagan ng pandemya.
Magmula sa oval na pinagdarausan ng mga events sa athletics at football field sa gitna na venue rin ng opening ceremony, hanggang sa mga satellite venues sa kalunsuran ay tiniyak ng grupo kung handa na nga ang Vigan sa pag-host ng dambuhalang Palaro natapos ang pandemic para sa mga batang Filipino na nag-aambisyong maging dakilang atleta ng bansa sa hinaharap.
Matapos ang marubdob na inspection ay nagbigay na ang inspectors ng go signal na handang-handa nang pagdausan ng palaro dahil pasado sa standards at di naman ito napabayaan noong kasagsagan ng pananalasa ng COVID-19.
“Vigan is ready. Batang Pinoy is here in December”, wika ng BP host ng kaganapang magkakapit-bisig na idaraos ng government sports agency na PSC at local government unit ng kabisera ng Ilocos Sur.
Pagkatapos ng ocular ay nag-kortesiya ang tropang PSC kay Vice Governor Jerry Singson.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA