November 23, 2024

KAPULISAN, SIMBAHAN, PAMAYANAN PASISIGLAHIN NG NCRPO

NANINIWALA ang pamunuan ng National Capital Police Region Police Office o NCRPO na malaking tulong ang Kasimbayanan o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na ma-activate at pasisiglahin ang naturang program.

Lumagda sa pledge of commitment ang iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang ang Religious Sector, NGO at NCRPO upang maipatupad ang mga pangarap ni Pangulong Bong Marcos Jr. na magkaroon ng partisipasyon ang bawat mamamayan upang isulong ang kapayapaan sa bansa sa pamamagitan ng Holistic approach.

Pinangunahan ni RegionalDirector ng DILG-NCR Maria Lourdes Agustin ang naturang programa na PNP Kasimbayanan na layunin ay upang mailapit ang publiko sa mga pulis sapamamagitan ng pagkakaisa para mapaunlad ang bansa.

Pangarap ng NCRPO sa pamumuno ni NCRPO Chief P Brig Gen Jonnel Estomo na magkaroon ng mapayapa at maunlad na komunidad kaya’t pinulong ang iba’t ibang Religious Sector upang magkaisa na lumagda ng Pledge of Commitment na mangakong tumulong para magkaroon ng maayos,maunlad at mapayapang bansa.