
TINIYAKni Manila Police District (MPD) Director, Police Brigadier General Andre Dizon ang agarang tugon ng kanyang pwersa sa oras na makatanggap ng saklolo ang mga pulis-Maynila.
Ayon kay Dizon, lima hanggang pitong minuto lamang ang kailangan antayin ng mga nag papasaklolo sa MPD para makaresponde ang kanyang mga tauhan.
Dagdag ng Heneral, ito ay bahagi pa rin ng kanilang ipinapatupad na Seen Appreciated Felt at Extraordinary activities ng kanyang pamunuan.
Kasabay nito ay tiniyak ni Dizon na tuloy p arin ang kanilang ginagawang pagpapatrol sa buong lungsod umaga man o gabi para mapigilan ang mga plano ng masasamang loob.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA