MAY paghahanda na ang Manila North Cemetery para sa paparating na Undas 2022.
Ayon sa hepe ng MNC na si Roselle Castañeda, batay sa nilatag nilang kalendaryo — simula sa pagpasok ng Oktubre hanggang Oktubre 25, alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ay bukas ang Manila North Cemetery para sa mga maglilinis o magpipintura ng mga puntod ng mga pumanaw.
Ang libing at cremation naman ay hanggang Oct. 28 muna.
Sa panahon ng Undas, ang Manila North Cemetery ay bukas sa publiko mula Oct. 29 hanggang Nov 2, alas- 5:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon kung saan bawal ang “overnight” sa sementaryo.
Dahil naman may banta pa rin ng COVID-19, kinakailangan na bibista sa MNC mula Oct. 29 hanggang Nov. 2 ay dapat “fully vaccinated” at may booster shot.
Maaari rin makapasok ang mga senior citizen, pero bawal ang mga batang 12-anyos pababa habang kinakailangan pa rin na ang lahat ay nakasuot ng face mask, kahit pa nasa labas.
Bawal naman ang mga vendor sa loob ng sementeryo, maliban sa nagbebenta ng bulaklak at kandila.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY