NAKATAKDANG magbalik-bayan ang isa sa kinikilalang martial arts icon sa bansa partikular noong dekada ’80- ’90.
Si Grand Master Osias Banaag na nakabase na sa Estados Unidos na siyang orihinal na nagtatag ng Sikaran na isang uri ng kickboxing martial arts kung saan unang sumikad sa lalawigan ng Rizal ay darating sa Pilipinas bago magtapos ang buwan ng Oktubre .
Uuwi siya sa kanyang bayang sinilangan para sa serye ng kaganapang ang kanyang presensya personal ay kinakailangan.
Si GM Banaag ay awardee ng prestihiyosong Global Iconic Aces sa Oktubre 24. Kasunod nito ang kanyang pag-organisa ng malakihang torneo na nasyunal ang proporsyon na Sikaran National Tournamant sa Tanay, Rizal at tampok din ang torneo sa pagdiriwang ng Honey Festival sa Nobyembre 12.
Siya ay malugod na sasalubungin ng kanyang counterparts sa larangan ng martial arts na sina GM’s Greg ‘Barry Agpoon, Jr.( PKMAF chief), Ding Agpoon 6 – dan blackbelter gayundin sa Charles Agpoon na pawang opisyales ng Philippine Kickboxing Martial Arts Federation na naka-base sa Mandaluyong City.
“Welcome sa isang itinuturing na icon ng martial arts sa bansa. Ang kanyang presensya ay lalong magpapasigla pa sa larangang sumisipa sa popularidad na tinatangkilik na ng mga kabataan pati na ang mga kababaihan na layuning makalahok sa lokal na kumpetisyon maging iyong mga hangad lamang ay matuto ng self defense. Welcome back GM Banaag,” wika ni Agpoon na isang multi- medalist sa martial arts noong kanyang prime at kasalukuyan pa ring nagtuturo ng kickboxing sa mga enthusiasts na kabataan at adults sa Metro Manila at karatig na probinsiya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY