NAGING panauhin ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA )ang mga top brass ng Pilipinas Super League (PSL) para sa isang makabuluhang pagkikita ng mga opisyales ng dalawang professional cage league sa bansa sa tanggapan ng una kamakalawa.
Ayon kay PSL president Rocky Chan, isang napakalaking prestihiyo ang makadaupang- palad ang mga may timon sa pinaka-premiere at pioneer na Asia’s pro-cage league na PBA upang maging sanggang-dikit at kakapit-bisig sa mga adhikaing pagpapasulong ng larangan ng pro-basketball na itinuturing na paboritong pastime at pinakamalapit sa puso ng Filipino.
“We’re very glad to rub shoulders with the PBA leadership.Institusyon na ang Philippine Basketball Association kaya anuman ang ating mai-contribute sa aspetong pagpapaangat pa ng antas ng larangan sa bansa ay we are very much willing to be their young partner in basketball development,” wika ni Chan.
Ang PSL ay isa nang matatag na liga ng basketball na mina ng mga talentong pang- PBA ang talento na kailangan lang na madiskubre lalo na iyong mga mahuhusay nang basketbolista at purong Pinoy na hasang-hasa bago makarating sa pinapangarap nilang PBA.
“Itong PSL Pro at 21 U natin ay tunay na breeding ground ng mga mahuhusay na talents na anytime ay puwede nang isabak sa giyera sa premier pro league,” sambit ni Chan na kasamang bumisita sa PBA office sina vice president Ray Alao, basketball operation head ex-PBA Leo Isaac, production head Nomar Santiago kadaupang-palad si PBA Technical Supervisor na si Eric Castro na kumatawan kay PBA Commissioner Willie Marcial.
Ang PSL Pro Winzir 2nd Conderence ay nakatakdang sumambulat ngayong buwan ng Oktubre.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA