KAISA ang Pitmaster Foundation sa National Climate and Disaster Emergency Forum na inilunsad nitong nakaraang Setyembre 22, 2022, sa Makati City.
Ito’y bilang pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kumilos ang mga industrialized nation upang mapagaan ang impact ng climate change, lalo na para sa maliit na bansang “vulnerable” sa climate change.
Pinangunahan ang naturang forum ng Pitmaster Foundation sa liderato ng kanilang Executive Director Atty. Caroline Cruz, at House of Representatives sa pangunguna ni Congressman Joey Salceda Chairman ng Ways and Means Committee at United Nations First Senior Global Champion on CCA-DDR at dating Co-Chairperson ng Green Climate Fund.
Bago ito ay nagbigay ng suporta ang Pitmaster Foundation na pinamumunuan ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang sa ilang environmental rehabilitation efforts ng local government units ng Siniloan, Laguna at Real, Quezon sa pamamagitan ng financial, logistical at staff support para sa naturang forum.
Sa isang press release, binigyang-diin ni Pitmaster Foundation Executive Director Atty. Caroline Cruz ang kahalagahan ng ganitong pagtitipon.
“Green solutions are atop our concerns in Pitmaster Foundation. Our partners and partner communities are affected by climate issues. So, we want solutions that will both create growth and solve our climate problems,” wika ni Cruz.
Ang Pitmaster Foundation ay kaisa sa mga ganitong adhikain at makaaasa ng buong suporta para maisulong ang climate policies para sa bansa, lalo pagdating sa community adaptation and renewable energy.
“We are proud to have engaged in environmental conservation since early in our founding as a non-profit organization. This is a continuation of that commitment.”
“With our support, we hope the climate forum will result in policy proposals and productive collaborations. We really wanted to get all the major decision makers together to exchange ideas, learn from each other, and find ways to solve our climate crisis.”
Ang nabuong mga rekomendasyon sa gaganaping climate summit ay ipinadala sa tanggapan ni Pangulong Marcos, para pag-aralan at makatulong sa mga ipatutupad na polisiya ng pamahalaan sa darating na mga panahon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA