PATULOY na isusulong ng Davao Occidental Cocolife Tigers ang winning tradition nito partikular sa larangan ng basketball.
Handang idepensa ng Tigers ang kanilang Pilipinas Super League men’s basketball crown sa pagsabak ng koponan sa parating na PSL Pro Winzir Men’s Second Conference.
Ang champion caliber team mula Mindanao ni team owner Cong. Claude Bautista na suportado nina Cocolife Pres. Atty. Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ang nakakopo ng kampeonato noong nakaraang 1st Conference ng PSL na inorganisa nina Pres. Rocky Chan, Vice Ray Alao katuwang sina Commissioner Mark Pingris, Deputy Chelito Caro at Basketball Operation head Leo Isaac.
“We will continue our winning tradition in the sport of basketball. Hear our Tigers roar once more,” wika ni Ronquillo.
Ayon naman kay Chan, ang number of teams, lineup, petsa at venue ay iaanunsiyo matapos ang pinal na pagpupulong ng PSL Board at team owners’ representatives.
Bukod sa presentor na Winzir, ang PSL2 ay itinataguyod ng La Filipina Corned Pork ang Luncheon Meat, Amigo Segurado Pasta and Sauce, Unisol, Wilson, Wcube Solutions, Inc., Adcon at Hotel Sogo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA