NAGULAT ang mga sports kibitzers sa Saitama, Japan sa sorpresang pagdating ni world boxing icon Manny Pacquiao ng Pilipinas upang saksihan ang nakatakdang laban ng isa pang dakilang boksingero sa mundong si Floyd Mayweather, Jr. ng Estados Unidos.
Ang binansagang ‘Money’ na si Mayweather na retirado na sa professional boxing na may imakuladang 50-0 kabilang na ang kontrobersyal na unanimous decision win nito sa tinaguriang ‘Pacman’ sa mundo ng prizefighting ay nakipagbangasan kontra sikat na Japanese mixed martial artist na si Mikuni Asakura na agad na pinabagsak ng una sa loob lang ng dalawang rounds kaakibat ng malaking paycheck saksi si Pacman na nasa ringside bilang spectator.
Dahil sa presensiya ng retiradong 8- world division champion na si Pacquiao ay lumawig ang ekspekulasyong may nilulutong rematch sa dalawang buhay na alamat sa mundo ng boxing.
Ang tanyag na Pambansang Kamao tulad ni ‘Moneyman ay may nakatakda ring makipag- bakbakan kontra inireretong mixed martial artist international titlist bago ikasa ang Mayweather- Pacquiao 2 na inaabangan ng boxing afficionados, ‘if the prize is right’ at sa tamang panahon.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA