SHOOT sa kulungan ang isang mangingisda matapos nakawin ang baterya ng bangkang pangisda ng kanyang kabarangay sa Navotas City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang naarestong suspek bilang si Alexander Pascua, 23, ng 153 M. Ablola street, Barangay Tangos – South.
Sa report ni PSSg Joseph Provido kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-3 ng madaling araw nang inspeksyunin ng complainant na si Madel Del Rosario, 34, at kanyang mister ang kanilang fishing boat sa Coastal Dike, Pantay-Pantay street, Barangay Tangos-South dahil sa paparating na sama ng panahon.
Dito, nadiskubre ng mag-asawa na nawawala na ang baterya ng kanilang fishing boat kaya pumunta sila sa kanilang barangay at i-nireport ang insidente.
Sa tulong ng mga tanod na nagsagawa ng pagsisiyasat sa nasabing lugar ay natagpuan nila ang baterya sa saksing si Jerbie Tiozon, 36, na ibinenta umano sa kanya ng suspek.
Inaresto ng mga tanod ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Theft habang nabawi naman ang 6SM 12volts battery na nasa P6,000 ang halaga.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA