January 25, 2025

1 United Baseball Knockout Stage Ngayon… KBA STARS KONTRA UP MAROONS

NAHAHARAP sa malaking pagsubok ang powerhouse KBA Stars sa nakatakdang bakbakan nito laban sa mapanganib na University of the Philippines Maroons sa kanilang knockout game quarterfinals  sa darating na Sabado (Setyembre 24) sa Sto Niño Ballfield, Marikina City.

Ang KBA (Katayama Baseball Academy) ni team owner Keiji Katayama, Japanese national na nakabase sa Pilipinas upang makatulong sa pagpapalawig ng sport sa bansa ay nasa segunda puwesto ng bracket A. Tangan ng team ang 3- 1 kartada habang ang tropang Maroons na tersera sa bracket B ay may 3-2 baraha.

Ang mananaig ay uusad sa semifinals  ng 12-team baseball league.

Ayon kay Katayama, ang kanyang koponan ay binubuo ng kasalukuyang miyembro ng national team na sina  Raymond Nerosa, Kyle Rodrigo Villafana, Ignacio Escaño at dating nationals na sina Juan Alvaro Macasaet, Juan Diego Lozano, Arvin Meynard Herrera, Lesmar Ventura at Gary Ejercito.

Gayundin ang mga dating UAAP players na sina Gerald Riparip, Vicente Barandiaran Anton Rosas, Danrie Caritativo,Marlon Gonzalez, Sean Jeremy Salaysay at Jayson Salmeda. Head coach si Katayama katuwang si playing coach Ejercito, coach Joseph Orillana at coach Jonnard Pareja.

“We are ready for the big game today against formidable UP Maroons. See KBA Stars shine in Sto Niño this  weekend,” sambit ni Katayama- naging miyembro ng coaching staff ng team baseball Pilipinas na humataw ng gold medal noong Southeast Asian Games Philippines 2019.

Sa ibang mga laro, maghaharap ang IPPC (1A) vs Tondo( 4B); Ateneo (1B) vs Thunderz (4A) at ang Air Force (2B) vs Tanauan (3A).