SA halip na siya ang handugan, mas ninais pa ng tanyag na public servant, aktor, sportsman bilang martial artist at mambabatas na si Senator Ramon ‘Bong Revilla, Jr. ang makabigay ng regalo sa mahal niyang naging constituents kababayan, ka-batas at kaisport bilang kanyang balik sa mga pagmamahal, paghanga, tiwala at dasal na ipinadama sa kanya ng balana.
Ang naging ama ng lalawigan ng Cavite at Senador ng Republika na si Sen Revilla ay magdiriwang ng kanyang kaarawan na pinaka- espesyal niyang pagdiriwang sa kanyang balwarte kaya may sorpresa siyang laang papremyo sa mga masuwerteng magwawagi ng mga grandeng premyo kaya ito ay bukas para sa lahat ng lalahok partikular sa on the spot at online paripa.
Ang kaganapan na binansagang ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAY at tatampukan ng pamigay na pares ng kotse, mga motorsiklo, gadgets at premyong salapi para sa mapapalad na kababayang sumuporta sa kanya through thick and thin noon hanggang ngayon.
Ito ang kanyang abang paraan ng pasasalamat una sa Maykapal at kababayang Filipino.
“Ilang tulog na lang at gaganapin na po ang ALYAS POGI BIRTHDAY GIVEAWAY natin kung saan dalawa na po ang kotse na maaari ninyong mapanalunan, bukod pa sa 10 motorsiklo, laptops, tablets, at maraming cash prizes! Kaya masayang-masaya po ang aking kaarawan sa darating na linggong ito para sa lahat,” wika ni Senador ( Alyas Pogi ) ang bansag ng fans at Master sa kanyang ka- martial arts partikular sa karate at kickboxing na regular na niyang sports activity upang laging malusog, malakas at handa ang pangangatawan sa laban pakundisyon para sa kababayang Filipino katuwang ang Philippine Kickboxing and Martial Arts Federation stalwarts GM Greg Agpoon,Master Charles Agpoon, Master Ding Agpoon .
Ano pa’ng hinihintay n’yo mga kababayan? Mag-register na po rito at manalo: https://forms.gle/h4AnvUztpFGNC3Pc9
“Magkita-kita po tayo sa linggo!”
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna