November 21, 2024

35 sinakote sa 24 na oras na anti-criminality ops ng NPD

NASAKOTE ang 35 suspek mula alas-5:00 ng umaga ng Setyembre 20 hanggang alas-5:00 ng umaga ng Setyembre 21 sa pagsasagawa ng pinaigting na anti-criminality operations sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area ng Northern Police District.

Sa kampanya laban sa Wanted Persons ay 17 ang nadakip sa bisa ng warrant of arrest kabilang ang Top 7  Most Wanted Person at dalawang Most Wanted Persons ng Caloocan City Police Station (CCPS) and Valenzuela City Police Station (VCPS).

Kapwa nahuli sa Caloocan ang Top 7 Most Wanted Person ng CPS na nakilalang si John Carlo D. Leuterio, 22, ng Barangay 18, Caloocan City, na may kasong Acts of Lasciviousness habang ang Most Wanted Person namn ay si Mark Jay C. Labanta, 23, ng Barangay 171, Caloocan City, na may kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons.

Ang Most Wanted Person naman ng VPS ay nakilalang si Joven O. Lorenzo, 28, ng  Barangay Parada, Valenzuela City, na may kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016).  Siya ay dinakma sa  Custodial Facility Unit ng Meycauayan City Police Station sa Barangay Camalig, Meycauayan City, Bulacan.

Samantala walo pa sa 14 na Most Wanted Persons ang nadakip ng CCPS; tatlo ang dinampot ng Malabon City Police Station (MCPS); isa ang nalambat ng Navotas City Police Station (NCPS), at; dalawa ang nahuli ng District Special Operations Unit (DSOU).

Kaugnay nito, 14 na suspek ang inaresto sa Anti-Illegal Drug Operations at dito ay tato ang dinakma ng CCPS; pito, MCPS; dalawa, NCPS, at; dalawa, VCPS. Abot sa P 180,200 halaga ng shabu ang nasamsam, habang P444 halaga naman ng marijuana ang nakumpiska.

Sa laban naman sa iligal na sugal ay tig-dalawa ng natiklo ang MCPS at VCPS.