NATAGPUAN ang bangkay ng isang hindi pa kilalang babae na nakasilid sa isang sako at hinihinalang biktima ng summary execution na palutang-lutang sa tullahan river na sakop ng Malabon City, kahapon ng umaga.
Sa report nina PSSg Michael Oben at PCpl Renz Marlon Baniqued kay Malabon police Chief Col. Albert Barot, dakong alas-8 ng umaga, nangunguha ng basura ang saksing si Alfredo Broa, 73, scavenger, sa Northern Hills Property Compound, na matatagpuan sa kahabaan ng Industrial Road, Tullahan River, Brgy. Potrero nang madiskubre nito ang isang sako kung saan nakasilid ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa ilog.
Kaagad ipinaalam ng saksi sa duty guard ang nadiskubre saka i-nireport ang insidente sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 na mabilis namang rumesponde sa lugar.
Sa isinagawang ocular investigation ng pulisya, ang biktima ay may tattoo sa kanang binti at kaliwang bisig na nakasuot ng itim na sando at brown checkered short pants.
Naka-posas ang mga kamay ng biktima habang ang kanyang mga paa ay nakatali ng stell wire na nakakabit sa posas at naka-balot naman ng masking tape ang kanyang mukha.
Patuloy naman ang follow up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan ng biktima na dinala sa PNP crime laboratory para sa autopsy examination.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD