BINUKSAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang isang vaccine cold room na pag-imbakan ng mga COVID-19 vaccines matapos ang isinagawang blessing nito sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco.
Ayon kay Mayor Tiangco, ang cold room ay matatagpuan sa unang palapag ng Chinese Filipino Business Club, Inc. Vocational Training Center sa Brgy. North Bay Blvd. South Dagat-dagatan na iniimbakan ng COVID-19 vaccines.
Dagdag niya, ito ay malapit nang regular na pag-imbakan ng mga bakuna para sa pediatric immunization.
Mayroon itong bio-refrigerator, ultra-low temperature freezer na maaaring umabot sa -86℃, at single insulation transport cooler.
Ginagamit ang refrigerator upang ligtas na panatilihin ang mga diluent ng bakuna, habang ang mga freezer ay maaaring mag-imbak ng humigit-kumulang 35,000 vial ng sensitibo at sobrang malamig na mga bakunang nakadepende sa temperatura.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA