ARESTADO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki na suspek sa likod bomb threat sa isang pampublikong paaralan sa Quezon City.
Nadakip nang pinagsanib na puwersa ng QCPD, Cubao Police District, PNP Anti-Cybercrime Group at iba pang awtoridad ang suspek na si Elfrank Emil Anthony Bacle Kadusale, 22, estudyante ng Ponciano Bernardo High School, at residente ng San Martin de Porres, Cubao ng nasabing lungsod.
Ayon sa QCPD, nanghiram ang suspek sa kaklase nito ng cellphone at doon nagpadala ng mensahe sa Ponciano High School Facebook page na magpapasabog ito ng bomba na nakalagay sa itim na bag.
Naghihingi rin ito ng pabuya na nagkakahalaga ng P100,000.
May tinanim ako na bomba sa elementary; sasama tayong mauubos; isang studyante ako sa als; samasama tayo; sasabog na sa may bag; na itim sa may cr banda; ubos ang mga bata sa ponciano; kailangan magbigay kayo ng 100k pabuya para di ko na ito ituloy; teacher ko ay si mam nancy; pakibigay nalang sa room,” mababasa sa text ng suspek.
Binibigyang-diin ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III na nagdulot ng pagkaantala ng klase at paglikha ng takot sa mga estudyante ang maling pagbibiro ng biktima.
Hindi rin tumitigil sa pagtutugis ang QCPD para naman sa iba pang suspek sa false bomb threat sa iba pang pampublikong paaralan.
Kilala na umano ng QCPD ang iba pang suspek at huwag na aniyang hintayin pa ang search warrant bago sumuko.
Samantala, nagbabala si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa lahat ng mga nagpapakalat ng false bomb threat sa lungsod.
Ito ay kasunod ng mga sunud-sunod na bomb scare na bumulabog sa New Era Elementary School, Emilio Jacinto High School, San Francisco High School at Ponciano Bernardo High School sa Quezon City.
Sa consultation meeting kasama ang Quezon City Police District, inihayag ni Belmonte na pananagutin at hindi nila palalagpasin ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng bomb threat sa lungsod.
“We will go after those who spread false information or pranks about bomb threats. Our schools are supposed to be a safe place for our students, and we will not take these pranks and threats lightly,” the mayor said during a consultation meeting with the Quezon City Police District.
Inatasan din ng alkalde ang QCPD na gawin ang nararapat, arestuhin ang sinumang indibidwal na nagpapakalat ng false bomb threat information.
Nanawagan din ang alkalde sa City Council na gumawa ng ordinansang nagsasaad ng mas mabibigat na parusa o multa sa sinumang magpapakalat ng maling impormasyon ukol sa mga bomba at pampasabog.
Matapos ang isinagawang masusing inspeksyon ng QCPD Explosive Ordinance Disposal (EOD) unit, nagnegatibo naman sa anumang bomba o pampasabog ang mga nabanggit na paaralan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA