December 20, 2024

HPV Caravan para sa cervical cancer prevention

NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pangunguna ng City Health Office katuwang ang Philippine National Red Cross, ng human papillomavirus (HPV) Caravan para sa cervical cancer prevention. Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, nabigyan ng libreng HPV screening ang mga nasa 30-49 taong gulang na Navoteña at HPV vaccination naman para sa mga siyam na taong gulang na kabataang Navoteña. (JUVY LUCERO)