
Mahigpit na ipinatutupad ni Highway Patrol Group (HPG) Director PB/Gen. Eleazar Matta ang estriktong disiplina sa kanilang hanay upang matiyak na magiging maayos kanilang tungkulin partikular na sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas-trapiko at pag-agapay sa mga motorista.
Patuloy ang internal cleansing na isinusulong ni General Matta sa kanilang hanay kung saan ang lahat ng HPG personnel sa loob ng Camp Crame gayundin sa Regional Highway Patrol Units (RHPU) sa iba’t ibang rehiyon at probinsya ay sumailalim sa random surprise drug test na pinangasiwaan ng Forensic Unit.
Sa surprise drug test kamakalawa ay masayang sinabi ni PB/Gen. Matta na cleared lahat ng mga personnel, negative o walang sinuman ang nagpositibo sa pagamit ng iligal na droga.
Dahil dito, pinuri ng butihing opisyal ang lahat ng miyembro ng HPG na tinaguriang Guardians of the Highways dahil sa patuloy na tapat na paglilingkod at pagpapanatiling “drug-free workplace” kasabay ng paalala nito patungkol sa ibayong pag-iingat at pangangalaga sa katayuan lalo na sa maayos na kalusugan sa pagbabantay katiwasayan sa kalsada ngayong panahon ng tag-init.
“Ang kapakanan ng ating mga tauhan ay mahalaga. Bilang mga tagapagpatupad ng batas sa kalsada, dapat natin siguraduhin na maayos ang inyong kondisyon upang makapagserbisyo ng tama. nais ko rin ipaalala na ang inyong integridad at kasipagan ang susi sa patuloy nating tagumpay!” pahayag ng butihing ama ng HPG.
Paalala pa ni General Matta na umiwas sa anumang katiwalian at seryosohin ang serbisyong tama sa araw-araw na paglilingkod bayan.
“Walang puwang sa HPG ang mga gumagawa ng kalokohan. Ang trabaho natin ay isang sagradong tungkulin sa bayan—kaya gawin natin ito nang tama, nang may integridad at dedikasyon!” pagtatapos na pahayag ni General Matta.
Derektiba ni PB/Gen. Matta ang pinalakas na pagpapatrolya ng HPG sa iba’t ibang pangunahing kalsada sa bansa bilang katuwang ng mga local police units na bantay seguridad ngayong panahon ng Sumvac 2025, Ligtas Semana Santa 2025. (BG)
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP SA BARMM, PINASISIBAK!