Pinaturit ng San Antonio Spurs (32-38) ang Houston Rockets (44-26), 123-105. Bumida sa impresibong panalo ng Spurs si Keldon Johnson na bumuslo ng 24 points 11 boards at 3 assists.
Nag-ambag naman si DeMar DeRozan ng 23. Samantala, nagtala naman ng 20 puntos si Russell Westbrook para sa Rockets. Gayunman, nagtala naman ito ng 7 turnovers.
Gumawa rin para sa Rockets si Jeff Green ng 17 at 16 naman ang binuslo ni Ben McLemore. Sa umpisa ng laro, angat ang Rockets. Ngunit, nakahabol ang Spurs sa second quarter, 35-24.
Mula sa 11 points na lamang, umabot pa ng 29 ang lamang ng Spurs sa Rockets. Dahil sa panalo, buhay pa ang tsansa ng Spurs na makakapit sa No. 8 seed ng playoffs.
Narito ang kabuuang stats ng laro
Rockets – 105 Spurs – 123
Westbrook: 20 Pts. Westbrook: 6 Asts. Covington: 9 Rebs./Johnson: 24 Pts. Murray: 7 Asts. Poeltl: 12 Rebs.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo