SIMULA noong 2013, umabot na sa higit P3.05 bilyon ang nailaan na tulong ng San Miguel Corporation (SMC) upang mabigyan ng tahanan ang mga pamilyang sinalanta ng mga malalakas na bagyo, kasama na ang iba’t ibang development projects.
Sa inilabas na kalatas, sinabi ng naturang kompanya, matapos ang pananalasa ng bagyong Sendong at Yolanda, nanguna sila sa pagpapatayo ng housing communities sa buong bansa sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang organisasyon gaya ng Gawad Kalinga at Habitat for Humanity.
Binigyang-diin ni SMC President at CEO Ramon S. Ang, na itinanghal bilang “Hero of Philanthropy” ng Forbes Asia, na ang pagbibigay ng ligtas na pabahay ang unang hakbang upang suportahan ang mga pamilya para sa pagtaguyod ng bansa.
“Housing is a basic need. To enable Filipinos to participate in nation-building, we must first support the family unit. Providing safe homes for those affected by calamities or without a home has been our first step to transforming their lives,” saad niya.
Nakapagpatayo ang SMC ng mga pabahay at komunidad sa iba’t ibang lugar sa buong bansa, kabilang ang Iligan City, Cagayan de Oro, Bukidnon, Negros Oriental, Davao, Surigao at Bohol, maging sa iba pa.
Maging noong mangyari ang pandemya taong 2020, ang mga programa ng SMC ay lalo pang pinaunlad mula sa simpleng pagpapatayo ng mga pabahay tungo sa pagsulong ng holistic community development.
Nagsilbi bilang modelo ang pinakabagong housing community nito sa Sariaya, Quezon. Mayroon itong disaster-resilient at eco-friendly na mga tahanan at mga kaalwanan kabilang na ang multi-purpose center, covered court, livelihood center, e-library, gayundin ang daunguan ng mga mangingisda at pampublokong pamilihan na pinapatakbo mismo ng mga residente nito.
Ipinagkaloob din sa mga residente ang training programs sa entrepreneurship, personal finance, food processing, farming at iba pang income-generating activities.
Sa pakikipagtulungan sa Technical Skills Development Authority (TESDA), mas napalawig ng SMC itong mga skills at livelihood training program sa buong bansa, habang tinulungan ang mga informal settlers mula sa iba’t ibang lokasyon na magkaroon ng titulo ang kanilang mga lupa at makapagpatayo ng mga permanenteng tirahan sa iba’t ibang lokasyon.
“Wherever San Miguel operates, progress follows. Our aim is to ensure that those we help are equipped for long-term success,” ayon kay Ang.
But just as important as housing and jobs is having a sense of community. Being part of a supportive network is essential for their long-term success,” dagdag pa niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY