Muli, isa na naman pong magandang araw sa inyo mga giliw kong mga kababayan. Nawa’y di magmaliw ang di nauubos na biyaya ng Panginoong Diyos.
Taun-taon, batid nating talagang problema kapag wet season ang pagbaha. Na dahil sa pagbaha’y lumalambot ang lupa sa dalisdis ng mga bundok. Kapag gumuho, tumatabon ito sa mga komunidad na sadyang mapanganib.
Sa halip na maging perwisyo sa atin ang ulan, bakit hindi natin ito pakinabangan? Mahalaga ang sapat na dami ng ulan upang mapuno ang dam.
Sa ganitong paraan, nagiging pakinabang ito sa mga magsasaka, industriya’y mga kabahayan. Dapat na masala ang sobrang ulan sa pamamagitan ng ‘Rainwater Retention Facilities’.
May inihain nang panukalang batas dito si Rep. LRay Villafuerte ng Camarines Sur sa Kongreso. Ito ay ang Housebill 8088.
Aniya, mahalaga na makapagtayo ng pasilidad sa mga komersyal, institutional at residential developers. Sa ganitong sistema, mababawasan ang pagbaha.
Isa pa, magagamit muli ang labis na tubig. Inihalimbawa niya ang sistema sa California na may Rainwater Capture Act. Tinatawag din itong ‘Rainwater Harvesting’. Na dahil dito ay nagagamit ang naimbak na tubig-ulan kapag tagtuyot doon kapag dry season.
Isa pa, ang Australia, ang mga buildings doon ay kumokunsumo ng naimbak na tubig-ulan sa mga fountains. Gayundin sa pagflush sa mga inidoro.
Kung makapapasa ang panukala, malaking tulong ito upang maibsan ang perwisyong dulot ng baha sa mga lungsod at lalawigan.
Adios Amorsekos.
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA