TUNAY namang hindi marapat at makatwirang sa panahon ng unos sa karagatan ay saka pa magkakaroon ng palitan ng Kapitan sa barkong pinaglalayagan.
Lalo na kung subok naman sa husay ang kanyang performance at smooth sailing bago pa masuong sa ngitngit ng kalikasan na ‘beyond control of mankind ‘pero kayang ALPASAN sa matatag na disposisyon at matalinong desisyon ng may timon na Kapitan upang makarating sa katiwasayan ng karagatan nang ligtas sa kapahamakan ang mga umaasang nakalulan.
Mapalad ang sambayanan ngayon dahil sa pagkakaroon ng Kongresong makatao, makatwiran, walang kasakiman at ang kapakanan ng pangkalahatan ang makikinabang sa mga mahahalagang hakbang na nakataya ang kinabukasan ng mamamayan ang inuna kaysa pansaring kapakanang pulitikal.
Maraming mga vital na desisyon ang Kongreso ang nakongkreto dahil sa mahuhusay at matalinong pananaw ng pinagsamang wisdom ng mga beterano at bagitong Mambabatas ng Mababang Kapulungan sa kumpas ng kanilang leader na Speaker sa Kamara de Representante.
Hindi nila hinayaang mapalitan ang liderato sa kalagitnaan ng pandemya at sa panahon ng napakahalagang deliberasyon para sa taunang pondo ng bayan.
Kumbaga sa basketball, pumupuntos ang kanilang team captain sa lahat ng departamento sa opensa, depensa at istatistika pero kung kelan umaarangkada na tungo sa panalo ay saka siya papalitan ng isang ‘di pa pinapawisan at benchwarmer lamang o baka posibleng nagbebenta ng laro na tiyak na magpapatagilid sa kanilang laban.
Magiting na ipinaglaban ng Mayorya ang pananatili sa liderato ni House Speaker Alan Peter Cayetano na subok ang husay at talino bukod sa pagiging maginoo keysa isugal ang natitirang termino kay Cong Lord Allan Velasco na next in line sana pero naging kwestiyonable umano ang kulay, loyalty, ‘di makayuko tulad ng isang oligarko, kilos-elitista at may agenda anila kaya tutol ang mayorya sa kanya.
‘Di nga naman siya marunong mag-reach-out sa kanyang colleagues at sa panahon ng mga mahahalagang deliberasyon ng Kamara ay nawawala siya sa eksena kaya tuloy napagdududahan siya sa kanyang kinikilingan.
Kung bopol lang ang mayorya at ang Marinduque solon ang pumalit na Speaker ngayon… tiyak anila ay lulubog ang barko kay Velasco! ‘
BUTI NA LANG…!
Mungkahi ng pilyong si Ilyo, sa Yu Key (UK) mas bagay siya maging ‘ispekir ‘ kasi meron doong HOUSE OF LORDS!
LOWCUT: Belated birthday greetings kay Davao Occidental Cocolife Tigers deputy team manager Ray Alao( Hapi BertRay). Hapi kaarawan din kay NU Bulldogs baseball team manager Wopsy Zamora mi AMIGO! Getwell Clyde James Mariano and acknowledgment kina PSC chairman Butch Ramirez, Alvin Aguilar ng Wrestling / URCC at Ting Hotponger Ledesma ng PTTF. Mabuhay!
More Stories
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?
DAPAT O HINDI DAPAT BAGUHIN ANG ORAS NG PASOK NG GOBYERNO?
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM