December 24, 2024

HOUSE HEARING SA PAGTAAS NG ELECTRIC BILLS NOONG PANAHON LOCKDOWN

Kumustang muli ang buhay natin mga Cabalen? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Pagkatapos ngang gisahin ng Kongreso ang tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN ( na tuluyan nang nagsara), nagkaroon ng inquiry ang Committee on Good Government and Public Accountability  sa Karama kaugnay  sa lumobo o biglang pagtaas ng bills ng kuryente ng MERALCO.

Talagang nagulat tayo mga Cabalen sa pagsirit ng bills noong tayoy’y nasa ating mga kabahayan noong ECQ at GCQ. Iniimbestigahan sa Kamara ang tungkol dito at pinagpapaliwanag ang Meralco sa biglaang pagtaas ng bills ng kuryente.

Nagpaliwanag naman dito ang Meralco kung bakit gayun ang nangyari. Ang ikinataas lang ng kilay n gating mga kababayan, papaanong nag-reflect sa bills ang amount ng kuryente gayung hindi nakapag-meter reading ang mga kawani ng Meralco dahil sa lockdown.

Lumalabas tuloy, ala tsamba ang ginawang reading. Hinuha ng ating mga kababayan, hinulaanlang ng kawani ang amount at ibinatay ang bagong bills sa mga nakaraang konsumo ng kilowatts. Ang kapansin-pansin sa iba, naging doble at triple ang amount ng bills nila sa konsumo ng elektrisidad.

Para mapagaan ang kalooban ng ating mga kababayan, idinaan ng Meralco sa installment ang pagbabayad sa unpaid previous bills. Ito ay babayaran ng pautay-utay sa loob ng 4 o hanggang 6 na buwan.

Ang mga komukonsumo ng 200 kWh kada buwan ay babayaran nila ang kulang sa loob ng 6  na buwan, at 4 na buwan naman sa kumokunsumo ng  201 kWh kada buwan.

Gayunman, mabigat pa rin ito para sa karamihan sa ating mga kababayan. Kung halimbawang ang babayaran mong installment sa buwan ng Hulyo na P500, isasama mo ito sa ibabayad sa bagong bill ng June 2020.

Kung halimbawang P1,000 ang  amount ng bill ng June, idadagdag ang installment na bayad sa panahong hindi nabayaran ang kuryente noong nagkaroon ng lockdown. Ibig sabihin, may ilan sa ating mga kababayan ang hindi nakapagbayad pa ng bills mula Enero hanggang Mayo— o kahit Hunyo pa nga.

May ilan sa ating mga kababayang negosyante ang umangal sa bills dahil hindi naman anilasiya nakapag-operate ng business dahil sa COVID-19 pandemic— at lockdown. So,papaanong nagkaroon ng konsumo sa elektrisidad ang saradong establisyemento?

Isa pa, hindi naman porke nasa bahay lang ang ating mga kababayan dahil sa lockdown ‘e buong araw na silang gumagamit ng kasangkasapng may kuryente. Batid nila na lalaki ang bills nila kaya nagtipid sila.

May garantiya naman noon ang Kamara na libre na ang konsumo para sa buwan ng Marso at Abril ang mga mahihirap na pamilya.

Ano man ang kahihinatnan ng imbestigasyon tungkol sa paglobo ng bills ng mga consumers, inaasahan nating malulutas ito sa mga susunod na araw.