December 24, 2024

Hontiveros nabahala… PAGBIBIGAY NG WORK VISA SA MGA PEKENG KORPORASYON BANTA SA SEGURIDAD

Naalarma si Senador Risa Hontiveros sa pagbibigay ng Bureau of Immigration ng mga work visa sa mga pekeng korporasyon, na nagpapahintulot na makapasok ang libu-libong dayuhan.

“This is a national security risk. Hindi natin alam baka mga sindikato at kriminal na ang mga nakapasok sa bansa. We also have information that these work visas are what foreign nationals use to work for Philippine Offshore Gaming Operators. Sisiyasatin namin ito sa susunod na hearing,” ani Hontiveros.

“I do welcome the Department of Justice (DOJ) directive that orders the BI to stop granting work visas requested by fake companies. Isang mahalagang hakbang ito para matigil ang mga kababalaghan sa ahensya,” dagdag pa ng senadora.

Ayon sa DOJ, nagbigay ang BI ng libu-libong pre-arranged employment visa, na tinatawag na 9G, sa mga dayuhan na umano’y nagtatrabaho sa mga pekeng lokal na korporasyon.

Ani Hontiveros, na nanguna sa serye ng mga pagdinig sa korapsyon sa BI na kilala sa tawag na “Pastillas Scam,” na dapat pag-igtingin pa ng ahensya ang paglilinis sa hanay nito.

“Mag-aapat na taon na mula noong unang naisiwalat ang pastillas scam sa BI. Why does it seem like nothing has changed? Kailan pa ba tuluyang maaayos ang BI? Ilang Senate hearings pa ang kailangan? It is disappointing that the agency is front and center of this issue once again,” pagtatapos ni Hontiveros.