
Nasaksihan ng Makati City ang isang makapangyarihang pagpapakita ng pagkakaisa nang sumama si dating Senador Gregorio “Gringo” Honasan kina Senador Nancy Binay at dating Makati 1st District Congressman Monsour Del Rosario sa isang engrandeng motorcade at pagtitipon, na muling pinagtibay ang kanilang nagkakaisang pananaw para sa kaunlaran at commitment sa mamamayan ng Makati.
Ang naturang event ay higit pa sa campaign activity – ito ay isang muling pagpapatibay ng alyansa at prinsipyo na matagal nang gumagabay sa kanilang pagseserbisyo sa publiko. Nagsimula ang political partnership nina Honasan at ng mga Binay noong 2016 national elections, nang tumakbo si Vice President Jejomar Binay bilang pangulo habang si Honasan ang kanyang vice-presidential running mate.
Hanggang sa ngayon ay nanatiling matatag ang pundasyon ng tiwala, pagkakaisa at serbisyo.
Libo-libong residente ng Makati ang sumalubong at nag-abang sa motorcade nina Honasan, Binay at Del Rosario kung saan marami sa kanila ang hindi maitago ang saya habang iwinawagayway ang kanilang banner bilang pagpapakita ng suporta sa mga ito.
Mainit ang naging pagtanggap ng mga residente ng siyudad sa dating senador, na nakilala dahil sa kanyang hindi matatawarang dedikasyon sa pambansang seguridad, reporma sa gobyerno, at sa kapakanan ng lipunan. Hindi malilimutan ng marami ang ilang dekadang pagseserbisyo ni Honasan sa bansa.
“Hindi lang ito tungkol sa halalan—ito ay tungkol sa pagtiyak na patuloy tayong maglilingkod nang may integridad, dedikasyon, at malinaw na pananaw para sa mas matatag na Pilipinas,” sabi ni Honasan sa event.
Ang pagpapakita ng suporta sa kanila ng taumbayan partikular ng mga taga-Makati ay sumasalamin sa patuloy na pagtitiwala ng publiko sa kanilang pamumuno, na nagpapalakas sa momentum ng kanilang kampanya habang papalapit nang papalapit ang eleksyon.
Ang presensiya ni Honasan sa Makati ay nagpapakita ng kanyang patuloy na engagement sa national at local political affairs, kung saan tiniyak nito na ang boses ng mga tao ay mapapakinggan. Sa pinatibay na alyansa at muling pagtitiwala ng publiko, ang motorcade ay isang malinaw na senyales na ang panawagan para sa tunay na reporma, pagkakaisa, at kaunlaran ay nananatiling matatag.
More Stories
DOST REGION 1 HANDA NA PARA SA 2025 NSTW
TANIM-BALA BALIK SA NAIA? (Imbestigasyon sinimulan na – NNIC)
Kelot na akusado sa statutory rape sa Valenzuela, tiklo