SWAK sa kulungan ang isang umano’y notoryus na holdaper na nambiktima sa isang lalamove rider matapos naaresto ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na si Kyan Bilyonarnio na nahaharap sa kasong Robbery (Hold-up).
Sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Bengie Nalogoc, habang umiidlip ang biktimang si Elmer Siervo, 45, Lalamove rider ng BLK 19 LOT 2 Brgy, Caboco, Trese Martires, Cavite sa kanyang motorsiklo sa Mc Arthur Highway corner Victoneta Ave., Brgy. Potrero dakong alas-3:00 ng madaling araw nang lapitan siya ng suspek na armado ng patalim at tinutukan sabay pahayag ng holdap.
Sa takot sa kanyang kaligtasan, hindi na pumalag ang biktima nang sapilitang kinuha ng suspek ang kanyang cellphone na gamit sa pagla-Lamove bago mabilis na tumakas.
Humingi naman ng tulong ang biktima sa Malabon Police Sub-Station 1 at sa isinagawang follow up operation, kasama ang mga tanod ng Brgy. Potrero ay agad naaresto ang suspek kung saan narekober sa kanya ang cellphone ni Siervo at dalawang patalim.
More Stories
DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC
Recto: Tax collection ng gobyerno pumalo sa P3.55-T ngayong 2024
WOLVES SINAGPANG ANG DALLAS