Natimbog ng mga awtoridad ang dalawang batang miyembro ng robbery holdup group na bumibiktima sa mga gasoline station kasunod ng isang habulan sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) head Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong mga suspek na sina Saipoden Agal, 23 ng Hidalgo St., Quiapo, Manila at John Ray Goopio, 19 ng Building 7 Katuparan Vitas, Tondo.
Armado ng calibre .45 pistol at cal. 22 revolver ang dalawa nang lapitan ang cashier booth ng Shell Gasoline Station na matatagpuan sa C-3 Road, Dagat-dagatan, Caloocan city dakong alas-11:30 ng gabi at tinutukan ang cashier na si Edmond Rivera, 39, sabay pahayag ng holdup.
Ayon kay officer-on-case P/MSgt. Julius Mabasa, kinuha ng mga suspek ang P7,290.00 cash at mabilis na tumakas subalit, hinabol sila ng mga operatiba ng DSOU na nagsasagawa ng surveillance operation sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila.
Sinabi ni Col. Dimaandal, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay mula sa impormasyon na ibinigay sa kanila ni Lt. Col. Manny Israel at Lt. Col. Calvin Cuyag ng Northern District Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong July 6, 2021 hinggil sa isang grupo ng holdaper na nagpa-planong mang holdap ng gas station sa southern area ng Caloocan City.
Matapos ang halos dalawang linggong surveillance operation, natiyempuhan ng mga operatiba ng DSOU ang mga suspek na tumatakas matapos holdapin ang gas station at narekober sa kanila ang tinangay na pera at ginamit na mga baril sa panghoholdap. (JUVY LUCERO)
(30)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA