November 24, 2024

HOFFMANN TOP WOMAN SA 100 M HURDLES, TOLENTINO NAMAN ANG HARI SA ICTSI PAC SA PHILSPORTS

PINATUNAYAN ni Lauren Hoffman kung bakit isa siya sa Olympic hopefuls nang pagreynahan niya ang 100m hurdles sa finals ng prestihiyosong event sa lCTSI Philippine Athletics Championship kamakalawa sa Philsports, Pasig City.

Ang miyembro ng Fil- Heritage athletes na si Hoffman ay isinumite ang golden time na 13.34 na bumasag sa rekord niya mismong 13 .41 na naitala sa Durham Duke Invitational noong nakaraang buwan sa North Carolina sa USA.

Malayong segunda si Jelly Dianne Paragile sa kanyang 14.16 habang tumersera naman si Lyka Maraviles (15.23).

“I am very happy, I tied my national record here at that”, wika naman ng isa pang Olympic hopeful na si Jason Cabang Tolentino, Isang full-blooded Filipino pero pinalaki ng kanyang Pinoy na magulang sa Spain na nagtala ng record breaking 13. 37 sa men’s 100m hurdles , ang kanyang naunang rekord ay 13.53 na naitala sa Spanish Tournament sa Torrent Snain Tournament sa Torrent, Spain noong Hulyo 2023.

Ang naturang kaganapang national open din ay inorganisa ng PATAFA, may basbas ng World Athletics, itinataguyod ng ICTSI bilang title sponsor at suportado ng PSC, Lungsod ng Pasig, CEL Logistics, MILO, Pocari Sweat, Wireless Link, SIP, AAI, FILAM Sport, United Airlines at MASIV Sports. (DANNY SIMON)