MAARING ihiwalay ng piitan ang mga bilanggong Muslim ngunit mahirap gawin.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kailangang pag-aralang mabuti ang panukalang Separate Prison for Muslim PDLs dahil sa lilikhaing epekto nito sa sistema ng mga bilangguan.
Sinabi ni Secretary Remulla na sa sandaling pagbigyan ang isang religious group ay posibleng magsunuran na rin ang iba pang relihiyon.
Dinagdag din ng Kalihim na walang budget ang DOJ para sa pagtatayo ng mga bagong piitan.
Ang pahayag ng Kalihim ay tugon sa panukala ng Office of the Presidential Adviser on Muslim Affairs na ibukod ang pasilidad para sa Muslim PDLs upang mapreserba ang kanilang kultura kahit nasa loob ng piitan ang mga Muslim at sa harap na rin ng nalalapit na Ramadan.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund