January 23, 2025

HITTING BELOW THE BELT SI PACMAN

SAAN ka makakakita ng isang  pulitiko na mataas ang posisyon sa ruling party pero ang latest development ay dyinajab-jab na ang mismong kapatido niya na pinuno pa ng bansa? Ang kanyang bira ay below the belt pa.

     Dahil ba patapos na ang termino ng Pangulo ay akala ng mga kalaban ay lameduck na ito kaya kung tumira sila ay wala nang pakundangan at di na sila makaantay ng susunod na halalan.

  Nahulog na si Senator Manny Pacquiao- top brass ng  ruling PDP  sa kumunoy ng masamang pulitika na walang permanenteng kaibigan at kaaway kundi ang personal na interes.

  Kaya lately ay hayagan nang nagsasalita sa biased media ang  boxing icon- turned politician na hindi na siya  umaayon sa Pangulo partikular sa pagresolba ng mga pangunahing suliranin ng bansa.

    Ibang tono na ang kanyang kinakanta at tila sumisintunado ito sa panig ng oposisyon kahit masakit sa tenga.

   Nakikinig na siya sa bulong ng kanyang malalapit na bubuyog at mga pakawala ng mga salot sa lipunang kritiko mula dilawan at pulahan.

  Political blunder ito pag tinuloy ni Pacman ang pagdistansya sa mahal ng mayoryang si PDigong.

     Tatamaan ito ng sunday punch tulad nang masapol siya ng switik na si Juan Manuel Marquez na nagpasubsob sa kanya sa lona.

  Kundi siya magi- ingat sa kanyang political move ay tiyak na mana-knockout siya sa balota.

    Sutil talaga ang utak ng oposisyon.

    Alam nila na kahit na 12 rounds ang laban nila  kontra popular na administrasyon,

unang salpukan pa lng ay knockout kaagad ang mga ungas kaya logtu ,naytmeyr at olats sila kahit kakampi pa nila ang referee, judges; pati media dahil lahat ng taong naroon bukod sa iilan ay magbubunyi sa tagumpay ng mabuti vs kasamaan.

    Umandar ang switik na kukote ng mga putek , minaliit nila ang bao ng ulo ng tanyag na si Pacman.Kilalang kadikit ni PDigong noon pa man.

  Kala nila ay kayang utuin ang kampeon tulad nang ginawa nila kay Peykbipi.

     Inulot siyang    bigwasan ang kanyang mga sariling kapartido sa ruling party na loyal pa rin sa Pangulo hanggang huli.

   Heto namang si Pacman,nagpanting ang tenga sa sulsol at nagpatawag ng presscon upang hayagang upakan ang kasangga nito at laking tuwa ng mga dilawan et al.

  Ang matindi dito ay pag ina-uppercut na nya mismo ang Presidente.

  Mga bulong sa punong-tenga ng modelo ng ‘from rags to riches to powerful’ inu-ulot ng oposisyon ay sobrang aga ng pamumulitika ng nasa trono na di nagpapaalam sa kanya bilang lider ng partido.

   Lingid kay Pacman habang galit at sumisingasing na siya sa kasusuntok ay bumuo naman ng grand kwalisyon ang oposisyon mula dilawan,pulahan, disenteng asul na oligarts at puting parimonyo.

 Sila na from day one ay walang puknat sa pamumulitika ang mga kapit-sungay na  panapat sa kampeon ng masang administrasyong  tiyak namang ang  iluluklok  ng sambayanan ay ang ia-annoint ni PDu30 upang ipagpatuloy ang nasimulan. Di na dapat bumalik ang kasuklam-suklam na rehimeng kurista hanggang nuynuying.

   Pero kwidaw kayong mga peste ng bayan, hindi magiging dakila sa buong mundo si Pacman kung wala siyang eksepsiyonal na talino .May lethal punch  ito na magbu-boomerang at magpapabulagta sa mga hudas na kalaban.

  Sa totoo lang , kayong mga  oposisyon at ka-unholy alliance( ala yan) ang pinapainan ni Pacman… sa mga susunod na rounds matatauhan si Pacman na mali pala ang kanyang kinakalaban at sablay ang kanyang left and right uppercut..kaya babalik siya at magpapakumbaba sa tunay na kaibigan.. ABANGAN!