
NAIS ipawalang-bisa ni dating Iloilo City Councilor Plaridel Nava II sa Korte Suprema ang executive clemency na ipinagkaloob kay dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog.
Ang naturang executive clemency ay nag-aalis sa mga administratibong pananagutan ni Mabilog kaugnay sa kanyang kasong graft na may kaugnayan sa kanyang umano’y P8.98-milyong ill-gotten wealth.
“I filed a petition for certiorari under Rule 65 [of the Rules of Court] for grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction against the Office of the President, against Bongbong Marcos, and Lucas Bersamin to challenge the pardon granted Mabilog,” saad ni Nava.
Hiniling sa naturang petisyon sa Supreme Court na ideklarang ‘unconstitutional’ at ‘void ab initio’ o walang bisa ang presidential clemency kay Mabilog.
Binanggit ni Nava II na ang pagkakaloob ng executive clemency kay Mabilog ay hindi makatarungan, lalo na’t mayroon pa siyang iba pang mga kasong hinaharap, tulad ng mga kasong graft sa Office of the Ombudsman, na nagpatalsik kay Mabilog sa serbisyo at nagpataw ng perpetual disqualification sa kanya sa paghawak ng public office.
Matatandaan na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang executive clemency noong Enero 15, 2025.
Ang clemency na ito ay nagtanggal sa lahat ng administratibong parusa laban kay Mabilog, kabilang ang pagpapanumbalik ng kanyang karapatang bumoto at muling mahalal o maitalaga sa posisyon sa gobyerno.
More Stories
KAMARA NAGLABAS NG VIDEO KUNG BAKIT NA-IMPEACH SI VP SARA
8 patay sa sunog sa Quezon City
14-ANYOS NA ESTUDYANTENG TSINOY DINUKOT, PINUTULAN NG DALIRI (Kidnappers pinatutugis ni PBBM)