December 23, 2024

HIRIT SA DOJ: LOOKOUT BULLETIN VS OVP OFFICIALS

Photo Credit: BNC

PORMAL nang hiniling ng House panel sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng lookout bulletin laban sa mga opisyal ng Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa umano’y maling paggamig ng pondo ng gobyerno sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay good government and public accountability panel chair at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, ang kanyang hiling ay matapos siyang makatanggap ng impormasyon na ang mga sumusunod na opisyal ay may balak tumakas ng bansa:

·  OVP Chief of Staff Zuleika Lopez

·  Assistant Chief of Staff and Bids and Awards Committee Chair Lemuel Ortonio

·  Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez

·  Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta

·  Chief Accountant Juleita Villadelrey

·  dating Department of Education Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda ·  SDO Edward Fajarda

Nag-ugat din ang request matapos ang subpoenas na inisyu laban sa OVP officials dahil sa makailang beses nilang hindi pagsipot sa mga nakaraang pagdinig ng Kamara.

“Considering these developments, I earnestly request your office to issue a Lookout Bulletin Order against these personalities,” ayon kay Chua, sa liham na naka-address kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

“This action is imperative to monitor their movements and prevent any potential attempt to flee the country, which could significantly hinder our investigation and broader efforts to uphold the integrity of public service,” dagdag niya.

Ipinunto rin ni Chua ang kahalagahan ng mga testimonya ng mga opisyal ng OVP sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng komite, na nagsimula sa isang privilege speech ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano, na inaakusahan si Duterte ng maling paggamit ng pondo batay sa findings ng Commission on Audit (COA).

“COA disallowed over P73 million of the P125 million in confidential funds allocated to the OVP in 2022—amounting to nearly 60 percent of the total,” mababasa sa kanyang statement.

Even more alarming, COA reported that this amount was spent within just 11 days, from December 21 to 31, 2022, averaging over P11 million per day,” it added. “In its Notice of Disallowance, COA ordered Duterte, along with Acosta and Villadelrey as accountable officials, to return the disallowed P73 million to the government.”