IPADEDEPORT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang overstaying na Pakistani national naaresto kamakailan lang sa Palawan dahil sa pag-iingat ng mga baril at pampasabog.
Inutusan ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang BI Legal Division na sampahan ng kasong paglabag sa batas ng imigrasyon laban sa 29-anyos na si Haroon Bashir, na naaresto noong Agosto 6 sa kanyang tinutuluyang bahay sa kahabaan ng Atis road, Dacillo Compound, Bgy. San Jose, Puerto Princesa City, Palawan.
Isiniwalat ni Morente na ang naturang Pakistani, na hinihinalang bomb maker, ay isasailalim sa deportation proceedings dahil sa overstaying at hindi dokumentadong dayuhan.
“A check of his travel record in our database showed that he arrived in the Philippines on 28 April 2013, and that he never left the country since then,” wika ni Morente.
Dagdag pa niya na bukod sa pananatili nang matagal sa loob ng mahigit pitong taon sa bansa, nabigo rin si Bashir na ipakita ang kanyang pasaporte o anumang dokumento ng paglalakbay, kaya maituturing siyang undocumented alien.
Patuloy namang iniimbestigahan ng regional office ng Philippine National Police sa MIMAROPA Region sa posibleng pagkakasangkot ng dayuhan sa mga lokal na grupo ng terorista.
Subalit paliwanag ni Morente na kahit ipinag-utos ng BI ang summary deportation kay Bashir, hindi agad siya pauuwin hangga’t mayroon pa siyang kinakaharap na kasong criminal sa pag-iingat ng nakamamatay na sandata na maaring magdala sa kanya sa bilangguhan kapag nahatulan na siya ng korte.
“It is only after he has served his sentence that we can deport him,” the BI Chief said. “He will then be blacklisted and banned from reentering the country.”
Ayon sa mga umaresto kay Bashir, nakita sa loob ng bahay nito ang isang caliber. 45 pistol at dalawang improvised explosive devices (IED) na agad nilang pinasabog matapos ang isinagawang pagsalakay.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA