January 23, 2025

HINDI RECLAMATION PROJECT ANG NMIA – SMC

NILINAW ni San Miguel Corporation (SMC) president at CEO Ramon Ang na hindi reclamation project ang P740 bilyon na New Manila International Airport (NMIA) project, na malapit nang maging pinakamalaking international airport sa bansa na may apat na runway.

Itinatayo ang NMIA na hindi sa reclaimed land, subalit sa existing low-lying land na, ayon sa kasaysayan, ay madaling bahain at ginawang commercial fishpond.

Ang pagpapatayo ng airport project, na saklaw ng Republic Act 11506, ay hindi involve sa paglikha ng bagong lupain mula sa Manila Bay, paglilinaw ni Ang.

Mahalaga itong linawin sa gitna ng kasalukuyang isyu na bumabalot sa Manila Bay reclamation projects.

“The truth is, the NMIA involves re-developing existing land inundated by water in previous decades due to flooding from heavily-silted river systems, conversion to fish ponds and over-extraction of groundwater that made it more susceptible to land subsidence,” ayon kay Ang.

“The airport project does not involve reclamation. The project site has existing, valid land titles indicating its original status as land,” paglilinaw nito.

“Due to natural processes over time, this land had become prone to regular inundation. Instead of creating new land, we are redeveloping it to its former state ensuring its productive and sustainable use for the future,” dagdag pa niya.

Kapansin-pansin, ang naturang site ay isang isla, kung saan makikita sa mga mapa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Mapping Resource Information Authority (NAMRIA) mula pa noong 1990s.

Napapaligiran ng Meycauayan, Taliptip at Maycapiz rivers, ang low-lying land ay ginawang fish ponds.

Gayunpaman, ito ay nakakadagdag sa mga pagbaha sa malalapit na mga bayan, dahil ang daloy ng mga tubig sa mga ilog na patungo sa Manila Bay ay napipigilan sapagka’t ang mga ilog mismo ay bumabaw dahil sa dami ng burak at polusyon.

Bilang bahagi ng development ng nasabing paliparan, napagtupad ang SMC ng matinding paglilinis at rehabilitasyon ng mga ilog na hindi lamang malapit sa Marilao-Meycauayan-Obando river systems (MMORS), kundi maging sa ibang ilog sa buong Bulacan.

“Our goal is to rejuvenate the inundated land and repurpose it into a more productive and transformative asset for Bulacan,” pagtatapos ni Ang.