HINDI pala planado ang pagkikita nina Lala Sotto at Vice Ganda sa Fashion show ni Paul Cabral, naganap ang mga pangyayari sa The Laperal Mansion.
“First time ko siyang nakita in-person, masaya akong nakaharap siya. Hindi ko nga akalain na doon kami magkikita, nagbeso-beso kami at nakakatuwa kasi wala namang nag-introduce sa akin ayan so finally nagkita na kami ni Vice,” ayon pa kay Lala Sotto.
“Biglaan iyong pagkikita namin ni Lala Sotto sa Fashion show ni Paul Cabral naganap iyon, nagbatian kami at nagbeso-beso. Nagkita talaga kami at nagkaharap, hayun nakakatuwa talaga.
“Walang plastikang naganap, tsaka event iyon at ang pakiramdam namin that time nag-eenjoy kami. Hindi naman namin dinadala iyong trabaho namin sa labas, dahil ini-eenjoy nga namin iyong show ng friend naming,” malumanay na pahayag ni Meme Vice Ganda.
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!