November 21, 2024

Hindi nagsusustento sa anak: “PABAYANG AMA, HAHABULIN NG DSWD” – ERWIN TULFO

Nagbabala si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na hahabulin ng ahensiya ang mga pabayang ama na ayaw magsustento sa kanilang mga anak.

Nangako si Tulfo na tutulungan ang mga single mother na nahihirapang buhayin ang mga anak dahil sa kawalan ng sustento sa kanilang mga dating partner.

“Isa ‘yung mga single parents na nagkakaproblema na ‘yung bastardo nilang ex, yung bastardo na mga ama ng kanilang mga anak, ayaw magsustento. Susulatan ng DSWD, kasi wala silang malapitan ngayon,” ayon kay Tulfo.

“I will encourage them to come to the DSWD, we will help them out. We will write letters. If not, we will file cases against the father of the children para mag-sustento because it is under the law now,” dagdag pa niya.

“Marami pong hindi nakakaalam, akala nila dahil hindi sila kasal pero andun yung pangalan sa birth certificate ay libre sila. Mali po yun. You have to pay o ika nga sustentuhan mo yung anak kahit di kayo kasal o kahit na-impregnate mo lang ‘yung babae pero andun sa birth certificate yung name mo. You have to pay ika nga sustento to your child,” pagpapatuloy niya.

Ayon sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 pagsasakriminal ang “depriving or threatening to deprive the woman or her children of financial support legally due to her or her family, or deliberately providing the woman’s children insufficient financial support.”

Kung mapatunayang mananagot, ang mga indibidwal na lumalabag sa batas ay maaaring parusahan ng pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon.