Nagulat tayo at ang Gilas Pilipinas sa resulta ng basketball tournament sa 31st SEA Games. Bagama’t talo sa Malaysia, 93-96, nasungkit ng women’s team ang gold medal. Kabaliktaran ito sa men’s team.
Natalo sila sa Indonesia sa gold medals match, 81-85. Bakit nagkaganun? Bakit nagkaganun at tinagpas ng Indonesia ang 18th gold medale stretch ng bansa? Huling natalo ang Pilipinas noong SEA Games 1989 sa Malaysia.
Ibig sabihin lang, hindi na dapat na natin minamaliit ang karatig bansa natin. Lalo na sa Timog-Silangang Asya. Gaya natin, nagpapalakas din sila. Nahubog na rin ang kanilang laro.
Natutunan na rin nila ang kalakaran na naturalization ng mga players. Kagaya ng line-up ngayon ng Indonesia na may mga resident import na. Isa pa, ang coach nila ay dating coach ng men’s team na si Rajo Toroman. Kaya, alam na nito ang siste ng laruan ng Gilas.
Sino ba naman ang ayaw manalo? Siyempre, proud sila na natalo nila ang powerhouse na Pinas. Kaya, may aral tayong natutunan dito. Dapat ay ang pinakamalakas na ang ipadala natin sa laro. Gawin ang tama kahit magtaas pa ng kilay ang iba.
Hindi natin masisisi si coach Chot Reyes diyan. Naudyukan lang siyang gawin ang gusto ng ating mga kababayan. Ika nga ng iba, sapat na ang UAAP team na gapihin ang mga kalaban. Pero, iba na ngayon.
Nangyari ang mga bagay na ito upang pag-igihan pa ang susunod na misyon. Na ituring nating mas magaling sa atin ang ating makakalaban. Para ibuhos natin ang ating buong makakaya at galing upang talunin sila.
Gayunman, saludo ako sa puso at tapang ng atletang Pinoy. Alam nating ginawa nila ang buong makakaya upang mabigyan ng karangalan ang ating bansa.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!
Football Festival Exhibition Game, idinaos sa loob ng New Bilibid Prison