January 23, 2025

HINDI BASKETBALL ANG PAGFILE NG COC, KAYA BAWAL ANG ‘SUBSTITUTION’

Kalakaran na nitong nagdaang mga pagpa-file ng ‘certificate of candidacy’ ang siste ng ‘substitution’. Iyon bang magpapalit ng pato at manok ang mga partido sa kanilang mga kandidato.


Nung una ay okay lang ito. Pero, kalaunan ay di na maganda. Hindi kasi itinuturing na sagrado ng iba ang pagtakbo. Hindi pupuwedeng parang basketball ang pagpalit ng kandidato. Na pupuwedeng gawin ang ‘substitution’.


Ika nga ng iba; kung di ka rin lang seryoso bilang kandidato sa pagtakbo, bakit ka tatakbo? Bagamat sinusuhayan ng batas ang ‘palit-pato’, naaabuso na ito sa ngayon. Ika nga ng iba, ibilang ito na nuisence candidate.May punto naman.


Bakit nangyayari ito. Ito ay dahil sa pakiramdaman. Kapag naramdaman ng isang partido na mahina ang manok nila, palit na. O kaya, proxy muna at kung pumayag na ang talagang pambato, palit na. Hindi ba’t yan ang nangyari noong 2016.

Ok lang yun nung pumalit si Davao Mayor Rodrigo Duterte. Kasi, malakas talaga siya nun at tao na ang nagtutulak sa kanya na kumandidato.


Nakasaad na pwedeng magpalit ng pambato kapag nagwithdraw ang una. Basta, kapareho ng partido. O kaya namatay, o na-disqualified. Kaya, sang-ayon ang ilang mambabatas na amyendahan na ang by-law na nakasaad para rito.


Para naman sa COMELEC, handa sila sa suhestyon at pagbabago para rito.Panahon na upang baguhin ang taktika ng iba.