NILINAW ni dating Vice President Leni Robredo na wala siyang planong tumakbong pangulo sa 2028, matapos ang kanyang opisyal na paghahain ng kandidatura upang tumakbong alkalde sa Naga City para sa Halalan 2025.
Kasama ang kayang Team Naga slate, naghain si Robredo ng kanyang certificate of candidacy kahapon.
Tatakbo siya sa ilalim ng Liberal Party.
Aniya, nagdesisyon siyang tumakbo sa local position noong nakaraang Hunyo pa, sa kabila ng usap-usapan ng kanyang pagtakbo bilang Senador.
“Nasubukan ko na mag-legislative, nasubukan ko na mag-executive. Una, mas mahusay ako sa executive position, pangalawa, talagang passion ko yung community work, at eto ang buod ng pagiging mayor,” ayon kay Robredo.
“Sa Senado, iba ang skillset na kailangan. Sigurado ako kasi naging Congresswoman na rin ako, mas passionate ako sa executive work sa local government,” dagdag niya.
Sinabi rin nito na wala siyang planong tumakbong Pangulo sa 2028.
“Tingin ko magiging unfair para sa city if gagamitin ko lang pagiging mayor bilang jumpoff point. Hindi ako magiging effective mayor kung ang iniisip ko lang ay yung 2028,” aniya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA