PINABULAANAN ni Wewel de Leon ang ilan mga pahayag ng ilang tauhan at opisyal ng Department Public Safety Traffic Management (DPSTM) na sinibak umano ito bilang hepe ng Tricycle Pedicab Regulatory Service (TPRS).
Paglilinaw ni De Leon na hindi siya sinibak kundi kusa siyang nagbitiw sa puwesto.
Nabatid ang tanggapan ng TPRS ay nasa ilalim ng pamunuan ng Department Public Safety Traffic Management na pinamumunuan ni Larry Castro. Ayon Kay Wewel de Leon, kaya umano siya nag-resign sa kanyang tungkulin dahil hindi na niyang masikmura ang panglalait ng naturang hepe sa kanyang pagkatao.
Si De Leon ay itinalaga ni Mayor Oca Malapitan para sa posisyon bilang officer-in-charge ng TPRS.
Sa loob ng anim na mahigit na taon paglilingkod, ipinakita niya ang buong katapatan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga tricyle at pedicab driver gayundin sa mga operator.
Kasama ring nag-resign ni De Leon ang kanyang mga tauhan.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA