“Hindi ako magpapahuli nang buhay.”
Ito ang matapang na pahayag ng puganteng pastor na si Apollo Quiboloy ngayong Sabado ng umaga.
Muli niya ring inakusahan ang administrasyong Marcos na nakikipagtulungan kay Uncle Sam para sa umano’y assassination plot laban sa kanya.
Si Quiboloy, na wanted sa kasong child abuse at sexual abuse sa Davao City, ay naglabas ng pahayag sa halos 33 minunto na audio recording na ipinost ng media arm ng Quiboloy-led Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa YouTube.
“Tandaan po ninyo: Ako’y mamamatay with honor. Tatayo ako para sa mga ginipit, kinunan ng katarungan, kinunan ng hustisya sa bansang ito. Dito tutulo ang aking dugo. Dito ako mamamatay. Bahala na, basta Pilipino ang papatay sa akin. OK sa akin iyon,” ayon kay Quiboloy.
“Ako po ay hindi nagtatago sa kasong ito dahil ako po ay may kasalanan. Hindi po. Ako ay umiiwas dahil pinoprotektahan ko ang aking sarili,” dagdag niya.
Inilabas ni Quiboloy ang statement tatlong araw matapos hanapin ng National Bureau of Investigation at pulisya ang kanyang kinaroroonan para silbihan ng warrant of arrest na inilabas ng Davao Regional Court laban sa kanya at lima pa. Sa anim na akusado, tanging si Quiboloy lang ang malaya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA