
BAGSAK sa kulungan ang isang snatcher matapos makorner nang habulin ng babaeng kanyang hinablutan ng cellphone sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon Police Chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Gerry Abia, 26, ng Sitio 6, Dumpsite Brgy. Catmon.
Sa imbestigasyon ni PSSg Ernie Baroy, alas-7:50 ng gabi, naglalakad ang biktimang si Zendie Bartolome, 21, sa Sito 6, patungo sa Gov. Pascual Ave. habang nakalagay ang kanyang cellphone sa kanang bahagi ng kanyang bulsa nang biglang sumulpot ang suspek mula sa likuran at hinablot ang cellphone.
Kaagad tumakbo ang suspek subalit, hindi ito tinantanan ng biktima sa paghabol hanggang sa makahingi siya ng tulong sa mga nagpaparulyang tauhan ng Sub Station-4 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Abia at nabawi ang cellphone ng bebot.
More Stories
PALASPAS HINDI LAMANG PALAMUTI SA BAHAY
AMBUSH SA BASILAN; 2 SUNDALO DEDO, 1 SUGATAN
PILITA CORRALES PUMANAW NA, 85