Bilang pagkilala sa mga nagsakripisyo ng kanilang buhay upang ipaglaban ang kapayapaan, pinasinayaan nitong nakaraang Huwebes ang Himlayan ng mga Bayani sa Tagkawayan, Quezon.
Ito’y matapos ang brutal na pagpatay sa limang CAAs habang 3 pa ang nasugatan sa ginawang pananambang ng mga NPA gamit ang anti-personnel mine, na labag sa United Nations Anti-Personnel Mine Ban Convention, malapit sa pagitan ng Labo, Camarines Norte at Tagkawayan, Quezon noong Setyembre 1.
Isinagawa ang seremonya sa Tagkawayan Public Cemetery, sa pangunguna ni Quezon Governor Angelina “Doktora Helen” Tan bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na bigyang-karangalan ang mga fallen CAA heroes na isinakripisyo ang kanilang buhay para ipagtanggol ang kapayapaan at seguridad ng kanilang komunidad.
Matapos ang ilang saglit, nagsagawa rin ng public viewing sa Tagkawayan Gymnasion para sa fallen CAA heroes. Kabilang sa nagpaabot ng kanilang pakikisimpatiya ay sina Gov. Tan, Tagkawayan Mayor Luis Oscar Eleazar, Jomalig Mayor Nelmar Sarmiento, Guinayagan Mayor Maria Marieden Isaac, Southern Luzon Command Commander Lt. Gen. Efren P. Baluyot, 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong, 201st Infantry “Kabalikat” Brigade Commander Brig. Gen. Erwin A. Alea at 85th Infantry “Sandiwa” Battalion Commanding Officer Lt. Col. Joel R. Jonson.
Nakatanggap ang pamilya ng mga fallen CAA heroes ng tulong pinansiyal mula sa Quezon provincial government.
Nangako si Gov. Tan na palalakasin pa ng lalawigan ang collaborative peace efforts ng mga LGU, security forces at iba’t ibang stakeholders upang tiyakin ang kaligtasan at seguridad para sa Quezonians.
Hinikayat din ni Mayor Eleazar ang community members na maging matatag at ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa gobyerno upang tiyakin na hindi na makakapaghasik ng kaguluhan ang NPA sa kanilang komunidad.
Pinuri naman ni Maj. Gen. Capulong ang kabayanihan ang katapatangan ng mga CAA, na malaki ang ginagampanang papel sa peacekeeping at nation-building efforts ng gobyerno.
Tiniyak din niya sa pamilya ng fallen heroes na hindi titigil sa pagsasagawa ng operasyon ang 2ID hangga’t hindi nakakamit ang hustisya para sa kanila.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA