Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Nawa’y lagi kayong nasa mabuting kalagayan.
Kung mapapansin n’yo, ‘Ber’ months na. Pero, bibihira ang pag-ulan. Dapat, madalas na ang pag-uulan. Gayundin ang pagdating mga bagyo.
Pero, magtataka ka, bakit madalang at kahapon lang umulan? Mga bandang alas kuwatro, umulan. Animo’y alas sais na ng gabi.
Kung ating mumunihin, nasa gitna tayo ng krisis ng COVID-19 pandemic. Dumaraan ang karamihan sa ating mga kababayan sa stress, depresyon at iba pang suliranin.
Nariyang nawalan ng trabaho ang ilan sa ating mga kababayan. Kung meron man, kapos ito dahil hindi pa lubusang bumabalik sa normal ang lahat.
Kungmag-uulan pa— magkakaroon ng bagyo, aba’y dagdag problema ‘yan. Papaano ang ating mga kababayan na hindi lumalabas ng bahay, tapos babahain?
Hindi ba’t kawawa naman sila? Wala na nga, sasakit pa ang ulo sa epekto ng kalamidad? Laoong dodoble ang gastos ng gobyerno.
Kasi nga, kakapusin ng pondo ang calamity fund.Batid natin,nagalaw na iyan ng ilang siyudad o barangay sapol noong magka-quarantine.
Ituring natin himala ang di gaanong pag-uulan. Kung umulan man, ito ay dahil sa kailangan na. Sa gayun ay mabalanse ang kalikasan.
Kailangang ang tubig sa dam at sa mga lupang sakahan. Ayaw ng Diyos na lalo pa tayong magdamdam sa mga suliranin.
Magpasalamat pa rin tayo dahil buhay pa tayo sa panahong ito. Tanda na mahal Niya tayo. Adios Amosekos.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino