Nalalapit ang pagreretiro ni kasalukuyang PNP Chief General Debold Menoria Sinas, sa darating niyang kaarawan at pinag-uusapan na naman muli ng sambayanan kung sino ang makakahalili nitong si Sinas, sa kanyang pagbaba sa puwesto sa Mayo 8, 2021?
Syempre lumulutang na muli diyan ang mga top contenders tulad na lamang ni PLtGeneral Guillermo Lorenzo Eleazar na Mistah ni Sinas sa PMA Class 87 “Hinirang Class” na maiiwan na isa sa mga senior top officials ng PNP.
Sa ngayon ay hawak ni Eleazar ang Top 2 post sa Camp Crame ang Deputy for Administration ng buong kapulisan at commander din siya ng Administration Support on Covid Shield Task Force ang mga nangangalaga sa ating mga kapulisan na nagkakasakit ng dahil sa covid.
Maliban kay Eleazar ay kandidato rin sina PLtGen. Joselito Vera Cruz na PNP Deputy Chief for Operation at LtGen. Israel Ephraihm Dickson na nakapuwesto bilang Chief for Directorial Staff.
Matatandaan na ilan beses na rin naging kandidato itong si Eleazar bilang PNP Chief simula noong magretiro si dating PNP Chief General Oscar David Albayalde Class 86 na pinalitan ng mistah nito na si General Archie Gamboa at sinundan ito ng kaniyang kaklase pa rin na si Ret.PNP Chief General Pancratius “Pikoy” Cascolan na mga kapwa kaklase rin ni ngayon ay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Siguro naman ay panahon naman ngayon ng mga PMA Class 87 hirarchy ang dapat na mamuno sa liderato ng PNP kaya’t hiling ng taumbayan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagbigyan na ang kanilang dasal na marapat ng ilagay at huwag mapagkaitan ng pagkakataon ang natitirang senior general na si Eleazar na gawin bilang next PNP Chief na kilala bilang “Peoples Choice” at “Media Darling” dahil sa galing nitong makisama kahit sa ordinaryong tao na magreretiro naman sa Nobyembre 13, 2021 para naman maipakita nito ang kaniyang kakayahan mamuno sa buong hanay ng pambansang pulisya.
Kung atin maaalala na bago maupo sa Crame itong si Eleazar ay naging Regional Director ito ng Calabarzon na humataw sa pagtatrabaho upang maipakita sa mga nagluklok sa kanya na hindi sila nagkamali sa pagtatalaga sa kanya at sumunod nga ay naipuwesto naman ito bilang NCRPO chief at sandamukal at sangkaterba ang inihaain nitong accomplishments lalo na sa flagship campaign ng Duterte administration na “Anti-Illegal Drug War” at pila-pila ang mga kinastigong “police scalawags” at mga most wanted person ang kaniyang hinabol ng dahil dito nakapagtala ng almost 60 percent ng pagbaba ng krimen sa buong Metro Manila na tila mahirap ng tapatan ng kahit sinong RD na uupo sa National Capital Region Police Office at hinirang na Best Regional Office ang NCRPO. Bumalik din ang tiwala ng mamamayan sa pulis at hindi nakaporma ang mga kriminal nuon kapanahunan ni Eleazar sa NCRPO.
Dahil nga sa malakas na panawagan ng sambayanan ay nagdesisyon itong si DILG Secretary Eduardo Año, na isang pangalan lamang ang isinumite para i-endorsong kapalit ni Sinas sa puwesto at sana ay si Eleazar na ito na alam naman natin lahat na bilib si Ano sa trabaho ni Eleazar pagdating sa leadership sa PNP.
Magandang legacy sa Duterte administration bago man lamang matapos ang kanilang termino sa 2022 kung maiu-upo nila si Eleazar na tapat sa kaniyang sinumpaang tungkulin at sa kanilang commander in chief, bago ito ibigay sa Davao Boy at kasalukuyang NCRPO chief na si PMajGen. Vicente Danao Jr. ng “Sandigan” PMA Class 91 na kilalang bata ng pangulo mula ng ito ay manilbihan sa Davao City hindi ba’t magandang plano at sistema para sa PNP? Abangan natin ang kapalaran ni General Eleazar kung siya na nga ba ang the next “chosen one” para sa pambansang pulisya ni Pangulong Duterte, hanggang sa muli.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino