Hiniling ng ilang local government units sa national government na pagayan nang buksan sa publiko ang sementeryo mula Oktubre 30 at 31 bilang pagdiriwang sa Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day.
“Yung ibang LGUs ay humihiling po na puwede nating buksan kahit October 30 to 31,” saad ni Velasco of Provinces of the Philippines president Marinduque Governor Presibitero Velasco Jr., sa Laging Handa public briefing.
Dagdag niya na sisiguraduhin ng local government units ang health protocols na masusunod kaugnay sa COVID-19 pandemic.
Una nang ipinasa ng Inter-Agency Task Force ang resolusyon na nag-aatas sa pagsasara sa lahat ng sementeryo mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2 upang maiwasan ang banta ng superspreader events sa Undas.
Maari lamang bumisita ang publiko sa sementeryo, memorial parks at columbaria bago mag-Oktubre 29 o pagkatapos ng Nobyembre 2.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE