Mga ka-Agila, libu-libong mga Pinoy ang nganga pa rin sa gutom at naghihirap ngayong pandemya at sa hagupit ng mga nagdaang bagyo sa bansa.
Alam nyo ba na labing-isang bagyo na ang rumagasa at nagiwan ng mga matitinding pinsala sa maraming bayan at lalawigan simula noong September hanggang November 2020?
Kabilang na rito ang bagyong Kristine(Sept. 4-5); Leon(Sept. 14-16); Marce(Sept. 20-21); Nika(Oct. 11-12); Ofel(Oct.13-16); Pepito(Oct.19-22); Quinta(Oct.23-27), Rolly(Oct. 29-Nov.3); Siony(Nov.1-7); Tonyo(Nov. 7-9) at Ulysses(Nov.8-13).
Sabi ng Pagasa, inaasahan pa na may 2 hanggang 4 na bagyong papasok sa bansa hanggang sa matapos ang taong 2020.
Nakikita natin ang mga ulat sa media na maraming nawalan ng tahanan, walang makain at namamalimos na lang sa gilid ng lansangan sa Cagayan, Isabela, Bicol, Quezon, Batangas at iba pang lugar na sinalanta ng sunod-sunod na bagyo.
Kaya naman, nagpatibay ang Senado ng Resolution 574 na madaliin ng Department of Social Welfare and Development(DSWD) na i-release ang higit P83-bilyon sa mga nangangailangan pamilyang Pilipino.
Nakatakda na kasing mag-expire ang Bayanihan to Heal as One act-part 2 sa December 19, 2020 at kung hindi ito mairerelease, babalik lang ang pondo sa National Treasury.
Sa speech ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, maaaring gamitin ang P83-bilyon para mabigyan ng ayuda ang mga biktima ng bagyong sumalanta sa lalawigan ng Cagayan, Isabela, Catanduanes
Albay, Camarines sur, Camarines norte, Marinduque, Quezon province, Laguna at Batangas.
Sinabi ni Zubiri na makatutulong ang nasabing pondo para sa agricultural sector na nagtala ng P10-B pinsala sa mga pananim,
SAP beneficiaries at ayuda sa 7-M jobless na mga Pinoy sa gitna ng Covid-19 lockdown, gayundin sa mga public transport drivers, sme workers at iba pang sector na tinamaan ng pandemya at mga bagyo.
Para kay Senate Majority Leader Franklin Drilon, sa ilalim ng Konstitusyon, may kapangyarihan si President Duterte na mag-realign ng budget kung hindi ito naggamit sa pinaglaanang proyekto
Sinuportahan din ng iba pang Senador ang resolusyon pero hindi nag-co-author si Senadora Imee Marcos dito.
Ipinaliwanag naman ni Sen. Imee Marcos, chairperson of the Sub-committee on Finance at ang nagdepensa sa badyet ng DSWD na 75% o P48.3-B ng P83-B ay naka-programmed funds para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program(4Ps).
Sinabi din ni Marcos na kabilang din dito ang Supplemental Feeding program na halagang P2.1-B; may Livelihood component na halagang P2.6-B at Social pension for the aged na halagang P3.9-B at 13.7-B para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation(AICS).
Mga ka-Agila, ang tanong lang ng mga Senador, bakit nababalam o hindi agad naipalabas ang pondo ng DSWD sa mga benepisyaryo nito?
Para sa inyong suhestyon, opinyon at reaksyon, mag email lang sa [email protected].
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino