
SINIRA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes ang P777,624,682.82 halaga ng ilegal na droga sa sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI), Barangay Aguado,Trece Martires City, Cavite.
Ang nasabing droga ay nakumpiska sa mga serye ng operasyon ng PDEA.
Gumamit ang PDEA ng thermal decomposition para sirain ang 66,720.7640 gramo ng shabu, 1,390,743.5422 gramo ng marijuana, 14,145.4798 gramo ng Ecstasy, 428.4432 gramo ng Cocaine, 1,665.3900 gramo ng Ephedrine, 1,073.8415 gramo ng Psilocin, 206.5 milliliters ng liquid meth at 172 milliliters ng liquid marijuana.
Ang pagwasak ng PDEA sa naturang mga kagamitan at kemikal ay upang ipakita sa publiko na hindi ito ire-recycle at hindi na mapakikinabangang muli.
Ayon sa PDEA, nai-turn over na ang mga ito sa korte at hindi na kailangan bilang ebidensiya.
More Stories
IRR NG CREATE MORE NILAGDAAN NA
Gatchalian hinimok ang pagbibigay ng mas magandang access para sa mga PWD sa pampublikong transportasyon
Johnny Wellem Carzano numero uno sa MisOcc active open chess tilt