December 25, 2024

Higit P1 milyon shabu nasabat sa Navotas, 3 arestado

Arestado ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU si Noraima Esmail, 32, Ma. Clarise Certeza, 23, kapwa (pusher/not listed) at Erickson Veron, 36, (user/not listed) sa buy bust operation sa R10 Road., Brgy. NBBN, Navotas City. Nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 158 grams na nasa P1,074,400.00 ang halaga, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 12 pirasong P1,000 boodle money, P1,500 cash, body bag, notebook, at cellphone. (RIC ROLDAN)

Swak sa kulungan ang tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang babae matapos makuhanan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Navotas City, Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Noraima Esmail, 32, Ma. Clarise Certeza, 23, kapwa (pusher/not listed) at Erickson Veron, 36, (user/not listed) pawang residente ng Tondo Manila.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa kahabaan ng R10 Road., Brgy. NBBN kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon P13,000 halaga ng shabu kay Email at Ceteza.

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poser-buyer kapalit ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba kasama si Veron na nakuhanan din ng hinihinalang shabu.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 158 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P1,074,400.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 12 pirasong P1,000 boodle money, P1,500 cash, kulay grey na body bag, maliit na notebook, at cellphone. Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.