November 5, 2024

Higit P.6-M ng shabu nasabat ng BOC-NAIA

Kuha mula sa https://www.facebook.com/BureauOfCustomsPH

MAHIGIT sa P.6 milyon ng shabu na nagmula pa sa United States at nadiskubre na nakatago sa dalawang magkahiwalay na package ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) – NAIA sa FedEx Warehouse sa Pasay City.

Ayon kay BOC-NAIA District Collector Mimel Talusan, ang nasabat na mga kargamento ay idineklarang “gift puzzle gameboard” at “puzzle game made of cardboard as a gift” na dadalhin sana papuntang Albay at Cabanatuan City.

Sinabi ni Talusan, sa ginawang pagsusuri sa mga nasabing misdeclared packages ay nadiskubre ang mga sachet na may lamang crystalline substance na nakalagay sa loob ng puzzle game boards.

Sa isinagawang pagsusuri naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakumpirma nila na shabu ang laman sa nadiskubreng sachet.

Bilang karagdagan, sinabi rin niya na dalawang misdeclared na mga bote ng Methyl Ethyl Ketone (MEK), isang controlled chemical, na kinilala ng PDEA na ginagamit sa produksyon ng shabu o methamphetamine hydrocholoride

Bukod sa droga, nasabat din ng PDEA ang dalawang misdeclared bottle ng methyl ethyl ketone na galing Taiwan.

Isa raw itong controlled chemical dahil nagagamit bilang sangkap sa paggawa ng shabu.

 “The BOC-NAIA is committed through intensified profiling and active coordination with the PDEA to stop the entry of illegal drugs in varying modus into the country,” dagdag pa niya.

Itinurn-over naman ng BOC-NAIA sa PDEA ang mga nadiskubreng iligal na droga para sa case profiling, karagdagang pagsisiyasat at posibleng pagsampa ng mga kasong kriminal laban sa importers at kasabwat nila dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002 (RA No. 9165) na may kaugnayan sa Customs Modernization and Tariff Act (RA No. 10863).